Saturday, August 6, 2016

Saya nito

Maligayang pagbati
Nananabik ngumiti
Hindi mapakali
Pag ibig sa bawat sandali

Ang saya nito
Pakiramdam ko sayo
Puso tumitibok ng walang hinto
Katawan ko nanlalambot  ng husto

Tinititigan larawan mo
Kaba ay hindi mahinto
Bumubulaklak pauwi sa iyo
Maghihintay sa harap ng pinto

Halika na sa kama
Yakap mo miss ko na madama
 Gawin mo kong unan , kahit pa
Ang init yumayakap sa ating dalawa


No comments:

Post a Comment