Sunday, August 31, 2014

Bata sa lansangan

Kahit umuulan nandun kayo
Namamalimos pang kain nyo
Sa tampisaw ng ulan naglalaro
Sa kabuuan madaming mikrobyo

Nasan na ba ang mga magulang nyo
Na dapat sila ang sandalan nyo
Na magtataguyod ng inyong buhay matino
Hindi itong nakikita ko

Iba na ata talaga ikot ng mundo
Sa mura nyong edad sinusuong ang delikado
Sakit ay hindi puna basta mag ka piso
Nanlilimahid na itsura , ginawang bisyo

Sayang ang kinabukasan
Kung mapupunta lang sa kamalasan
Maging responsable at mag aral
Matuto at maging modelo

Walang akong maisip na tula

Kanina pa ako nag iisip ng proyekto
Yung tipong kakaiba at moderno
Pero wala talaga pumapasok sa ulo
Mapa titik o letra hindi matanto

Sumasakit na ang aking ulo
Kung ano nga ba babagay sa mundo
Sa tula ko kasi pinapakita ang komento
Mga pangyayari na alam ko ako panalo

Wala talaga pumapasok sa utak ko
Yung tipong kailangan ko
Mga letra na mahirap makasundo
Pati tiklado ko sumasablay sa iphone ko

Ano nga ba nababagay sa inyo
Sa aking taga basa inaabangan ito
Hirap ng mag likha ng wala sa tono
Baka umabot pa sa wala at sintunado

Iiwan ko na lang sa inyo
Ang isipin na baka may maisip kayo
Yung aking gagawing proyekto
At may kabuluhan sa mundo

Friday, August 29, 2014

Hanggang kailangan

Natatawa ka sa hampas ng latigo
Na pumupunit sa balat mo
Ang sakit hindi mo na alintana
Dahil sa araw araw nakikita

Giyera sa puso mong tulala
Hindi mo matanaw kung lulubha
Ang sakit na iyong nakuha
Sa tindi ng hirap nakakabaliw na

Nahihibang na sa nais makamtam
Pati huling halakhak iaalay sa asam
Sugal sa pagkakataong ikaw ang may alam
At pag salo sa mulat na katotohanan

Wednesday, August 27, 2014

Aso

Mabalahibo na ang iyong mukha
Sa sobrang kapal lumalala
Makatahol akala mo ay tala
Aso ka ngang maituturing talaga

Nangangagat ng sobra
Sa kamandag mong bihira
Halos makagat mo nag iiba
Nauulol ng kagaya mo

Sa lakas mong tumahol
Lahat hinahabol
Nauulol
Walang gatol

Mahiya ka sa sarili mo
Tignan mo gano kasama ugali mo
Isa kang hayop na aso
Bagsak mo kalaboso

Ingay ng pipi at bingi

Silang tinutukso
Kaakibat ang abuso
Ng mga tao
Kahit saang mundo

Sumisigaw puso nila
Naghahanap ng tiwala
Ng mga pusong nawawala
At nalulungkot sa twina

Mga hikbi ang nagsisilbing lakas
Sa pangungutya ng lahat
Bakit mo pa gagawan
Ng panunutya at katatawan

Sa mundo nila sila ay masaya
May talentong wala ka
Kayang sumabay sa iyo
Sa kanilang paraan sila ay aktibo

Sila na nagsasalita ng totoo
Balikan ang nais ng mundo
Matatanaw at maririnig mo
Ang kanilang kakaibang motibo

Wednesday, August 20, 2014

The new me

All my life is a misery
Trying to find my self and see
How i hold the time given to me
Wasting it all for nothing to be

Direct from the block
Following those not luck
Changes occurs but all broke
Almost my soul taken by choke

You may seem to know me
In how i felt the tragedy
But then i emphatize those believing me
Taking and accepting all oppurtunities.

From that moment i stop
Think of all that i dropped
I guess im old enough
And i needed all your faith for i stop

This is the new me
Looking for a horizon set in eternity
Doing what i love , i seek to be
Forgiving those who sinned in me

Lola

Naiiyak ako nung nalaman ko ang balita
Pero sadyang may hangganan ang tinakda
Dito sa mundo na walang pang habang buhay
Dadaloy at aagos ang oras ng ating alay

Sa walunapu't dalawa mo sa mundo
Nalaman mo at nasaksihan ang gulo
Sa amin mga bata iyong tinuturo
Na wag kaming maging luko luko

Nais kong magpasalamat sa iyong gabay
Eto ay magsisibing aral sa buhay
Magiging sandigan na tunay
Mga payo mong sa amin mo inaalay

Sa tindi ng pasakit na iyong naranasan
Pagmamahal mo lagi mong pinaparamdam
pagkukulang namin hindi mapatawaran
Sa iyong yakap aming nalaman

Paalam aming lola
Sa Panginoon ikaw ay maging masaya
Maging maligaya
Hayaan mo kami na dito, gagawin namin ang tinakda

Saturday, August 16, 2014

Tingin

Simple lang naman ang nais
Hindi naman ito lalabis
Masulyapan lang ang tamis
Ng iyong ngiti , ayaw ko tong mamiss

Nasa tindahan ka nakabantay
Iniisip baka ikaw ay nalulungkot dyan
Gusto mo bang makatabi dyan
At makipag kwentuhan walang tulugan

Nais ko lamang ikaw ay maging masaya
Mapatawa sa komeding aking itataya
Baka manalo sa puso mo at lumigaya
Din ang puso kong nangungulila

Titingin na lang sa iyo
Tatanawin na lang sa dako

Kamera

Napapangiti ka habang nakatingin
Sa ganda ng iyong smile din
Kahit ako nagagawa mong aliwin

Nag aayos ng ilaw para sayo
Para lalong mapaganda ang dating mo
At maging idolo sa larangan na ito

Halos hindi na nakakatulog
Kahit mag puyat mabigay lang hubog
At maipa malas ang kakaiba mong alindog

Dito sa kamera nabubuhay ang halina
Nakamasid sa bawat galaw maitama
Para hindi panget tignan at mahalina

Thursday, August 14, 2014

For all i know

I never thought that i could love
Someone like you ,fly like a dove
In the sky , blue and peace above
Heaven's touch within , its you i want to hug

Away from my misery
I felt the wonderful hand you touch me
Wishing it could last for eternity
Loving you is what i belong to be

For all i know is just a simple you
Giving me courage and hope too
You never fail me never let me blue
I lucky enough to be with you

Pagibig

Pag ibig

Nakadungaw sa bintana
Nakikinig ng love song sa stereo
Napapangiti , naalala ka
Sumasarap ang oras sa twina

Tinatanaw ang lugar natin
Hindi mapakali kakamadali
Sulat na ilalagay at gagawin
Iaalay ang bawat sandali

Sa kapeng iniinom
Sumakit man ang tiyan
Basta naniniwala sa pag ibig mo
At hahawak sa mga sinabi mo

Kahit malayo ka
Sa ibang ibayo, parang nandito ka
Hindi ko kayang itanggi namimiss kita
Yung mga yakap at halik mong kay saya

Seksi

Seksi

Kakaiba ka
Napapatingin kahit matanda
Sa katawan mong kay ganda
Parang coke sa tamis pag natatanaw ka

Sipulan ang lahat
Hindi man lang lumilingat
Naka maka spot
Ng kakaibang anggulong sapat

Napapalaki ang mata
Pag lumabas kang hapit na hapit
Sa suot mo , paghinga ko sumisikip
Pag lunok ko naiipit

Bigla kang napatingin
Upuan ko'y tumaob man din
Ano bang majic ang iyong diin
Lahat kami sobra kung makatingin

Sa paglakad mo umaalog
Ang mundo naming kakabog kabog
Pati nag iinuman napapa hinto
Pag naamoy na ang iyong pabango

Seksi kung ituring
Katawan hindi ka mabibitin
Mag eenjoy pati paningin
Wag ka lang papahuli baka ikaw ay sampalin

Bola Bola


Umpisahan na ang inuman
ang tagay wag papa iwan
sumabay sa indak ng ating nakaraan
bola bola isa sa mga pulutan

Iabot na ang bote ng alak
dahan dahan lang para hindi mawasak
Salinan na ang lalamunan
Bilisan ang tagayan

Wag na mag isip ng para bukas
Atin ang gabi ngayon bakas
Tama na nag drama ng buhay
Mag simula na ng bagong tagay

Magpulutan ka muna
Bago mo umpisahan yan
Sa kwento mong hindi matapos tapos
Umabot na ng 5 taon yan parin halos

Yung isang natutuwa sa alak
Nag dadasal na wag mabuwal
Alam mo naman ang maka masa
Maka sandal lang tulog na

Tama na ang asaran
Pumindot ka na ng numero sa videoke
Para hindi matuyo lalamunan ko
Kakantahan ka na lang ng oldies na gusto mo

Wag mo na tignan cellphone mo
Baka puro mura na aabutin mo
Sa dyowa mong sadyang selosa
Pati ba nman sa amin nag seselos pa

Tahan na ang iyak
Drama mo kulang pa ng alak
Yung tagay mo ang ilaklak
Para saan pa at tayo ay nandito nagagalak

Monday, August 11, 2014

Buhay- doon

Maraming kababayan natin
Ang nangibang bansa
Pinipilit buhayin pamilya nila sa dukha
Kahit kapalit nito ay kalungkutang dala

Si tatay nagpunta sa saudi
Para lang masabi
At maipagmalaki
Sa tropa mong bully
Na ang buhay nyo ay sagana
Pero ang tatay mo panay ang luha

Si Nanay pumunta ng dubai
Nagbaka sakaling may bagong buhay
Na maibibigay sa mga anak nyang taglay
Kahit saang anggulo hindi mapalagay
Kakaisip sa mga iniwan sa bahay
Sa pamilyang pagmamahal ay alay
Na ang luha ay sa pag tigil ay walang humpay

Mapalad kayong naiwan
May nagmamahal sa inyo ng tunay
Sa paglayo nila ang tingin nyo pera
Kung alam nyo lang ganung hirap ang kanilang dala

Saturday, August 9, 2014

Sa loob ng limang taon

Nagsimula akong matuto
Aking napag tanto
Etong kakaibang talento
Na aking sinasanay ng buong puso

Taong 2009
Ako ay nag apply
Hindi naman sumablay
Ako ay napabilang sa mahuhusay

Hinasang maigi ang abilidad
Umaaasang ito ay uunlad
Puyatan sa pag aaral, sa umaga bilad
Nag aasikaso sa mga kliyenteng lantad

Sa bawat taong nagdaan
Abilidad ay lalong nadagdagan
Kahit nakapikit ay kayang tumugon
Sa pangangailang aking hinamon

Ang taglay kong pakiramdam
Pagmamahal sa kanila ay alam
Kahit sabado o linggo dumaan
Paglingap sa kanila ay magaan

Ngayong umabot na ng limang taon
Maraming nadiskubre sa kahon
Napaisip kung bakit hindi makaahon
May mga pagkakamali ba sa kanilang desisyon

Pilit nilalaban ang karapatan ng lahat
Sa pangangailang ay hindi sumasapat
Nakakalimutan yata ang kanila ay dapat
Manantiling tikim ang bibig , katotohanan hindi mahagap

Sa loob ng limang taon
Maraming naranasan aking ibabaon
Pasasalamat ang aking tugon
Sa paglingap nyo sa aking desisyon

Isang dasal ang nais ipahatid
Nawa'y magising at maputol ang lubid
Na tumatali sa katotohanang piniid
Pagpapatawad ang aking sinambit

Thursday, August 7, 2014

Knives Kent

Pare bigyan mo ko ng subject
Ung tipong gagawin kong object
Para sa entablado un ang project
Lahat sila magugulat na parang ininject

Mga katagang sinulat ng makata
Sa larangan hindi papahuli sa tula
Kung kaya nila bakit hindi natin kaya
Kahit magsimula tutumbok din ang tula

Iniisip ko ano pa meron ako
Kakayahan nakatago lang ng ganito
Baka sakaling may tonong maisip
Para maging totoo lahat ng panaginip

Halos binigay na para maging ayos
Iisipin mo ok naman ang tustos
Konting himas sa balikat ay patos
Wag ka ng umepal baka kita masapatos

Takte uso na naman ang rap
Utak ko tuloy parang natrap
Kasama si jhello dun nalasap
Pagiging beterano na sa kaka flop

Joke joke lang pareng jhello
Makakabalik din ako dyan para sa duelo
Yung makata na taga bulakenyo
Pinipilit pa ring maging manilenyo

Wahahhahaha tagay na yan
Na miss ko tuloy nung ako'y napadaan
Nag aayos ng pc, tuloy sa lasingan
Pag gising ko , deretso sa networkingan

Ayun na lumabas na ang subject ko
Nandun lang pala sa bulakan to
Pina lbc superman na costume ko
Para makabilang sa collection ng superman to

Pag nakita mo to for sure rereply ka
Nakahanda na mga bala na aking dala
Sa pagluwas galing maynila
Gusto ko makita ka suot mo kwela

O sya sya tama na
Ako'y matutulog na
Isang bote ng red horse pala
Iniinom ko habang gumagawa
Ng kakaibang subject na pilit inakda wahahahhahah

Wednesday, August 6, 2014

Kapit sa Patalim

Ilang beses ka na bang kumapit sa patalim?
Buhay ay sinusugal lalo na sa dilim
Marami ka ng pinahirapan pa man din
Hindi ka na nagsasawa, maaring buhay ang kapalit

Kaibigan, ang kagipitan ay maiiwasan
Kung sa umpisa pa lang ikaw ay may pinag iipunan
Ang buhay mong taglay ay sadyang mahalaga
Huwag mo itong sasayangin basta basta

Nabalitaan ko pumatol ka sa bakla
Dahil may gusto kang damit popular ang may gawa
Hindi mo na naisip baka maging kasama nila
Basta ang utak mo naka tutok sa pera

Nabalitaan ko sa kanto pumatol ka sa matanda
Kapalit ng cellphone na napakamura
Bata mong katawan ang iyong tinaya
Sa bandang huli siguradong talo ka

Kumalat ang tsismis may sakit ka
Buhay mo'y nabago pumayat ka bigla
Dahil lang sa kakarampot na pera
Nauupos na ang bigay saung hininga

Sa bawat galaw may kaakibat na pasya
Kaya wag lang titira basta basta
Baka mapabilang sa mga nagdurusa
Ang buhay mong masaya , hindi na maligaya

Tuesday, August 5, 2014

Lungkot

Lungkot

Pagmasdan mo ang iyong mata
Namumugto na sa kakaiyak
Hindi ka ba nagsasawa
Sa pagpili mo, puso mo laging biyak

Tumingin ka sa salamin
Ano ba ang iyong nais mithiin
Kaligayahan na inaasam sa iba
O ang pag iisang masaya

Hindi mo kailangan ng lalake
Na magpapaiyak sa yo bale
Kailangan mong makilala ang sarili
Kung hanggang saan ikaw pipili

Nais kong maging maayos ka
Mawala ang iyong pangamba
Baka sakaling may pag asa pa
Umibig kang muli at totoo na

Minsan ang buhay ay ganyan
Kailangan mo lang hayaan
Malay mo sa pagdilat mo may hiwaga
Na makakasama sa twina

Itigil mo na yan
Hindi na nakakatulong yan
Mag isip para sa sarili
Mahalin mo rin ang sarili

Sunday, August 3, 2014

Epal ka

Bakit sobra kaepalan mo
Nag uusap kami bigla sabat mo
Wala ka bang manners loko
Pati mga bagay bagay pinakiaalaman mo

Lahat nagagalit na sayo
Sa ugali mong pang kanto
Eto piso hanap ka ng kausap
Baka maintindihan mo at matanggap

Sarap mong supalpalin
Hindi ka kinakausap eepal ka pa din
Batukan na kaya kita
Para huminto ka na

Sunday epitome

Say its a good sunday morning
But its all given to mourning
Shallow mind across all things
Found that no one can seen

Though sparkled heart turn sorrow
Nothing seems to fit or borrow
Liking one thing goes tomorrow
Heart failed , life sailed narrow

This day might be good to you
Making song in the sun shines for two
Longiness of Sunday can tend too
Last hurray of mind in to blue

Forever crying in this Sunday
Bargain soul pray in a day
Choosing and doing fancy it may
To be near you never in a day

Saturday, August 2, 2014

Glorious moment

Life is so wonderful
Excitement and beautiful
Even me cant stand how cool
The world gift , so cool

Let me thank those people
Who nourished my mind and full
The absence of things i cant call
Granting my wish is so wonderful

This glorious moment i have now
Love conquers my soul  and heart
For someone who could stand by my side
And telling me , we will never part

Just the time i believe in things
Just the moment i see everything
Lying here is the key
Relaxing is what i meant to be

One month na to!

Sinimulan ko maglikha
Nang mga kakaibang katha
Mula sa puso at isip nakuha
Ang talinghaga ng aking makata

May isang buwan na rin ang lumipas
Nagsumula ako gumawa ng landas
Na magbibigay sa akin ng wagas
Na pag iisip at hindi kayang malagas

Sa dami ng aking nagawa
Sa nakaraan ko sobrang dami pa
Pinamahagi sa iba at pinaubaya
Sa kathang aking nagawa marami ang natuwa

Hindi na mabilang kung ilan na ba
Mga obra na sinimulan nung bata pa
Nag aaral sa elemntarya
Natutong gumawa ng makata

Tulang hinango sa mga naranasan
Yung iba ay kathang isip lamang
Karamihan ay may kakaibang
Talinghaga sa bawat nilalang

Hindi ako titigil ibahagi
Hindi mag iisip na itanggi
Gagawing sandigan at haligi
Mga salitang may silbi

Sa pag patak ng ulan

Isip mo sobrang gulo
Sumabay pa ang ulan sa ulo mo
Pumapatak pati luha mo
Pighati nabibilang sa pag iisip mo

Ilang beses ka na bang nabigo
Sa bawat lakas ng loob sumuko
Nag papahirap sa pagbabago
May mga bagay talagang mahirap matuto

Sa pagpatak ng ulan naramdaman mo
Pagdurusa sa buong puso mo
Kabiguan nandyan lagi sayo
Pag asa hindi na matanaw sa dulo

Huwag lang mag alala
Titigil din ang ulan
Huwag kang mabahala
Sisikat din ang araw ng pag asa

Pag subok lamang yan
Patibayin ang loob gawing yaman
Makukuha mo din ang inaasam

Sa muling pagpatak ng ulan hihinto din
Titila at mauubos din
Maging matatag lang sa pag amin
Buhay ay sasaya, basta lagi manalig

Taga-bantay taga-salakay

Maraming nawawala hindi makita
Hindi mahagilap kung saan napunta
Nagtatanong na nga
Wala naman totoong bunganga
Nasaan na kaya
Baka naibulsa na

Istilong kawatan
Mahilig sa isahan
Sa dami ng kalokohan
Pati Diyos dinamay pa sa kasinungalingan
Nasaan na ba
Baka nabenta na?

Ilang taon ng ganun ang gawain
Kung saan saan yun ang habulin
Hindi na rin mawari kung pipilitin
Sa isang pagkakamali ayaw namang aminin
Nasaan na ba
Baka naglaho na parang bula

Mahirap pakisamahan
Lalo na sa sobrang kagulangan
Laging matalino sa partihan
Alam naman na maraming kalokohan
Nasan na ba
Baka nagsinungaling na lang ba

Shrek

Kung may fiona syempre mayron shrek
Kamukha rin ni fiona
Magaling mag utos kagaya nya
Pero mga diskarte parang tanga

Kilala rin siya sa kaharian
Ginagawang pabagisan
Ang kayamanan
Na taglay ng sambayanan

Kung iisipin mo dapat sagana
Hindi maghihirap ang lahat sana
Kung magaling lang etong si shrek
Magpatakbo ng kanyang kaharian na malapit ng ma-shrink

Ano pa nga ba magagawa
Eh pareho silang madaya
Kung sa kanila mo ipagpapalaya
Ang buhay mo , siguradong masisira

Siya si shrek na madaya
Kilala sa bayan na malubha
Sa kahirapan, sila sagana
Sa panloloko dyan sila pinagpala

Fiona

Sa isang kaharian kilala siya
Sa karamihan tawag ay reyna
Sinusunod ng madla
Pag nag utos dapat magawa

Walang alam etong reyna
Nagpapanggap na magaling siya
Akala mo kung sino umasta
Hindi nya alam lahat may galit sa kanya

Sa karamihan bukod tangi siya
Sa taglay nyang kakaibang hitsura
Kahit gamitan mo pa ng pambura
Ugali nya hindi kayang mawala

Akala mo may magbabago sa pamamahala
Hindi naman magawan ng paraan ang gawa
Inaasa sa iba ang tinatakda
Magagalit pag hindi nagagawa

Kaharian nyang taglay ay sana sagana
Kung magaling lang sanang mamahala
Mga fairy nya talagang kakaiba
Kahit malayo may ibubulung pa

Siya si fiona
Tawag ay reyna
Hitsura nakakatuwa
Ugali nakakasira


Friday, August 1, 2014

Stronger

I saw your face in sadness
Felt the world turn into madness
I held your hand so tight
Wishing i could give a fight

Sometimes you want to end your life
I told you have faith in God above
Pray and believe in Him and love
Become a stronger person to have


Sa ilalim ng maskara

Akala mo hindi namin alam
Mga tinatago bago ka pa lang
Halos lahat kilala na diskarte mo
Mag iinarte ka pa, dyuding naman datingan mo

Mga galawang pang babae
Pinipilit mo maging tunay na lalake
Sa istilo mong mahirap na umarte
Nabubuking pati tinatago mong panty

Pinag uusapan ka na
Dedma lang ang tira
Kahit alam mo na
Sa sarili mo denial king ka pa

Kalat na kalat ba baho mo
Umaalingasaw pagiging paminta mo
Umamin ka na lang at ng matapos
Usapin sayo , ilalad na ang gapos

Sakto ni Stephen

May tama ka na ba pre
Sakto lang sagot nya dre
Nakailang bote ka na ba
Sa dami ng ininum dalawa lang pala

Kumusta naman ang work mo
Sakto lang tugon nya
Nahihirapan ka ba sa dami ng load
Sakto lang , at least may work

Dito ka na sumakay may pamasahe ka pa ba
Sakto na lang pauwi pre
Malamang mayayare ka naman sa esmi mo
Masasakto pati mukha mo

May yosi ka pa ba
Mayron pa sakto sa atin dalawa
Dun tayo sa yosihan
Baka nandun ung kalbong panutan

Musta naman ang buhay buhay?
Sakto lang eto nakakaraos din
Puro ka na lang sakto wala ka bang ibang alam
Tawa na lang sagot nya, kasi sakto tama nya