Isip mo sobrang gulo
Sumabay pa ang ulan sa ulo mo
Pumapatak pati luha mo
Pighati nabibilang sa pag iisip mo
Ilang beses ka na bang nabigo
Sa bawat lakas ng loob sumuko
Nag papahirap sa pagbabago
May mga bagay talagang mahirap matuto
Sa pagpatak ng ulan naramdaman mo
Pagdurusa sa buong puso mo
Kabiguan nandyan lagi sayo
Pag asa hindi na matanaw sa dulo
Huwag lang mag alala
Titigil din ang ulan
Huwag kang mabahala
Sisikat din ang araw ng pag asa
Pag subok lamang yan
Patibayin ang loob gawing yaman
Makukuha mo din ang inaasam
Sa muling pagpatak ng ulan hihinto din
Titila at mauubos din
Maging matatag lang sa pag amin
Buhay ay sasaya, basta lagi manalig
No comments:
Post a Comment