Sinimulan ko maglikha
Nang mga kakaibang katha
Mula sa puso at isip nakuha
Ang talinghaga ng aking makata
May isang buwan na rin ang lumipas
Nagsumula ako gumawa ng landas
Na magbibigay sa akin ng wagas
Na pag iisip at hindi kayang malagas
Sa dami ng aking nagawa
Sa nakaraan ko sobrang dami pa
Pinamahagi sa iba at pinaubaya
Sa kathang aking nagawa marami ang natuwa
Hindi na mabilang kung ilan na ba
Mga obra na sinimulan nung bata pa
Nag aaral sa elemntarya
Natutong gumawa ng makata
Tulang hinango sa mga naranasan
Yung iba ay kathang isip lamang
Karamihan ay may kakaibang
Talinghaga sa bawat nilalang
Hindi ako titigil ibahagi
Hindi mag iisip na itanggi
Gagawing sandigan at haligi
Mga salitang may silbi
No comments:
Post a Comment