Ang sikip pero maluwag naman
Gustong kumita nakikipag siksikan
Ilang oras na ba ako dito
Aabutin ata ako hanggang pito
Sumasakit na puson ko
Paano kaya ito
Hindi naman ako makalabas
Siguradong sa sakit hindi ako ligtas
Aabutin na ko ng gabi
Yung balak kong gawin sa wala mauuwi
Naiinis akong isipin
Bakit nandito pa rin
Napapagod na rin ako
Paa ko'y namamanhid ng todo
Umiinit na pati ulo ko
Sa mga taenang sa singitan panalo
Hay trapik kelan ka ba mawawala
Pag hindi na ba uso ang kalsada?
Ano ba talaga ang tama
Tao o ang sistema?
No comments:
Post a Comment