Monday, November 30, 2015

Sila

Silang mayroon
Silang may panahon
Kaming hindi makaipon
Kaming sa trabaho nakukuba maghapon

Silang exempted sa regulation
Silang may magagarang masyon
Kaming nag sisikap na magkaroon
Kaming nakukuntento na lang maghapon

Silang akala mo anak ng diyos
Silang lumalait sa aming kapos
Kaming walang magawa
Kaming laging inaalila

Silang nagpapagulo ng bayan
Silang nagpapatupad ng batas
Kaming dayuhan sa sariling bayan
Kaming wala ng tiwalang matakbuhan

Sila sila
Kami kami
Paano na kung laging sila
Paano naman kaming nakakarami ?

No comments:

Post a Comment