Saturday, February 13, 2016

Panahon

Araw araw kang hinahanap
Nasaan ka na ba , Hindi ka nahagilap
Pinilit Kong hanapin ka
Kahit saan ba yata napuntahan ko na

Sa pagtulog nangungulila
Dati katabi ka at kayakap pa
Bakit ngayon unan na lang at kama
Nasaan ka na ba aking sinta, 
Natutulog na tuloy aking mag isa

Panahon na ba ng pag iisa
Araw na ba ng walang kasama
Panahon na ba ng wala ka
Araw na bang hindi ka na kasama

Miss ko na ang halik mo
Isama mo na rin ang yakap mo
Ang masakit lang sa iba natanto
At ngayon ay iba na ang kayakap mo

Panahon na ba para sa iba
Araw na ba ng itatalaga
Panahon na ba ng mag iisa
Araw ko na bang maghanap ng iba

No comments:

Post a Comment