Nanahimik sa tabi
Tanging naririnig ay hikbi
Malungkot na labi
Dumidilim ang sapi
Kumusta na
Sana maging maayos ka
Bumalik ang dating saya
Na dati ay kay ganda
Naaalala ko pa
Nung binigyan mo ko ng tsaa
Problemado ako noon at balisa
Sabi mo may solusyon ang lahat ng problema
Bakit ngayong ikaw ay tumalikod na
Dun sa tinuran mo na kay ganda
Nagkabuhay ako sa iyong salita
Bakit ngayon gusto mo laging mag isa
Kumusta na
Sana bumuti ka na
Makapiling pa ang pamilya
Makisaya basta kasama sila
No comments:
Post a Comment