Sunday, July 17, 2016

Nais

Masakit ang malamang wala ka na
Puso ko ay nagdurugo at ayaw kumalma
Naghahanap ng sagot sa twina
Ama bakit nangyari pa?

Nadudurog ang puso ko
Gulong gulo ang isip ko
Hindi malaman kung kaya ko
Tanggapin na wala ka na dito

Nais kong mahawakan ka
Maramdaman ang init ng pagsinta
Mahalikan at mayakap ng kusa
Maibigay ang pangarap mong sadya

Nais kong samahan ka
Sa paglakad at sa iyong pagdapa
Nais kong makasama kahit sandali pa
Nais naming mahalin ka ng lubos pa

No comments:

Post a Comment