Parang uulan pa ata,
sumasabay sa luha
kanina pa ako napapaluksa
san na ba ang taong magpapaligaya
Kahapong kay saya saya
hawak ang iyong kamay, ako'y tuwang tuwa
Yun na pala ang huling ligaya
dahil ngayon san na ba nagpunta
Sabi mo pa sa akin , Halika Na
hinawakan ka at inakbayan pa
nagkwentuhan ng iba iba
Hindi ko tanda kung mauulit pa..
Ngayong wala ka na
maghahanap na lang ako ng iba
yung totoong magbibigay saya
mayayakap ko pag nagsabing Halika NA!
No comments:
Post a Comment