Monday, February 27, 2017

Kulay ng Pinoy


Mapa-Dilaw o Pula
ikaw ay sumumpa
sa harap ng watawat ng bansa
Nangangakong ipaglalaban ka hanggang sa laksa

Naalala mo pa ba
kalayaan na nakuha
hindi naman ang kulay ay mahalaga
hindi naman ang dilaw o pula ang pumuksa

Maging isang bayani ng bansa
ipagtanggol ang bawat isa
lumaban hanggang kalaban tumumba
taas noo , tayo ay magkaisa


No comments:

Post a Comment