Kanina pa ko nakatingin sayo
Hindi maalis mga mata ko
Kahit anong mga galaw mo
Tinatanim dito sa puso ko
Sana mapansin mo naman ako
Nakaantabay para sayo
Bwisit naman kasing lalaking kasama mo
Dyowa mo pala na totoo
Kanina pa ako nakatitig sa inyo
Pinaiinggit pa mga lambingan nyo
Pilit ko mang tumingin diretso
Sumasakit lang ng sobra ang puso ko
Paano na ang mundo ko
Nadurog na ata , pag ibig naloko
Matutulog na lang ako
Baka pag gising ko wala na ito.
No comments:
Post a Comment