Ulan ng ulan
Kasabay ng pinanggalingan
Hugot na hugot
Patanong na sagot
Hindi ka ba nagsasawa
Lagi ka na lang tulala
Hindi ka ba natutuwa
Marami ka ng pinunla
Para kang ulan
Darating biglang lilisan
Magbibigay lamig sa kagabihan
Hindi naman aabot hanggang kinabukasan
Niloloko mo lang ako
Pinaniwala sa kalokohan mo
Sadyang tanga lang ako
Nag papaulan ng sakit sa puso
Buti pa ang ulan
Nararamdaman ko sa aking katawan
Hindi kagaya mong nangiiwan
Panloloko mo sobrang gahaman
No comments:
Post a Comment