Monday, October 20, 2014

Manibela

Sinimulan ko hawakan ang manibela
Upang tayo ay sa iba mapunta
Kasabay nito ang pag iingat sa daan
Ginagabi na alisto ay dagdagan

Tinahak ang daang mabako bako
Sa init ng hangin pawis tulo ng tulo
Pampalamig ayaw gumana pero
Ayos lang, byahe ay banayad at ganado

Malayo layo na rin ang tinakbo
Nitong sasakyan na puno
Halos sa likod tawanan ang sambit
Lahat sila bigay sa hilig at kapit

Dito na ang ating ruta
Dumating na tayo para gumala
Bumaba na ang tama
Mag inom ulit para gumala


No comments:

Post a Comment