Saturday, October 11, 2014

Sama na!!

Halika na sabay sabay na tayo
Puntahan at lubutin ang mundo
Sa aking maleta kakasya ka
Sumiksik lang at tayo'y lalarga na

Hahanapin natin ang ating gusto
Iyong malaya at puno
Ng saya, ligaya at matitino
Walang away, gaya ng kapitbahay nyo

Magdala ka na ng mga damit
Siguradong matutuwa kang pilit
Sa bakasyon na sobrang idinikit
Sa alaala ng ating pinaplano ng saglit

Dalhin mo na rin cellphone at digicam
For sure, selfie selfie on the run
Ano pang hinihintay mo halika na
Simulan na natin ang ligaya

Mag iinom tayo ng sagaran
Yung tipong gewang gewang ang lakaran
Mag pupusoy o kaya tong its , magkalaban
Pag may natalo , iiyak ang talunan

Ready na ang mga gamit ko
Bilisan nyo atat na atat na ko
Kumpleto na ba ang grupo
Simulan na ang gulo

No comments:

Post a Comment