Tuesday, October 28, 2014

Putakte


Putakteng amo ka
Hindi mo man lang naisip ang iba
Naghirap ng sobra 
Para lang may pang sahod ka

Maka utos kala mo kung sino
Hindi ka naman Diyos at santo
Ginagamit mo lang aming talento
Para sa kinsenas at katapusan ikaw ang panalo

Ilang taon ka na bang ganyan
Pagkakamali mo , sa amin ang bagsakan
Para maging malinis lang ang iyong pangalan
Mang aapak ng kapwa at pagkatao duduraan

Marunong ang Nasa Itaas
Bigla kang sisingilin ng wagas
Kaming iyong hinahampas
Babalik sayo ng sobrang dahas

Pasalamat ka , 
Kung wala kami nasan ka
Pasalamat ka,
May mga bossing ka pang nadadaya

No comments:

Post a Comment