Sunday, March 22, 2015

Dahon

Nag simula sa buto
Dahil sa alaga ikaw ay nabuo
Mga sanga yumabong ng magarbo
Kasabay nitong bagong siglo

Naranasan ang katanyagan
Nakilala sa iyong katalinuhan
Nabuhay sa ganung kalinlangan
Pag abuso hindi na mabilang

Buhay natin parang dahon
Malalaglag pagdating ng panahon
Walang makakaalam kung kailan 
Basta ito ay iyong ingatan

Katawan natin parang kahoy
Rurupok pag ikaw ay natukoy
Sa kapalaluan at panaghoy
Mauusal sa Diyos dasal ng nakaratay

Thursday, March 5, 2015

Stay for a while

I know how i feel
When i need to seal
My feeling for you

Just pray for us
Keep the love alive
Our feeling grows

Stay for a while
Lock my heart
Dont let it apart

Susunod

Kanina pa ako nandito
Nag aabang kung magtatagpo
Nakatingin sa aking relo
Ano ba ? San ka na ba? Malapit ng mag alas otso

Tinext naman kita
Pinaalala ang usapan natin kanina
Dali dali ba naman akong pumorma
Ang akala ko maaga kitang makikita

Tawag na ako ng tawag
Mukang tagilid at may kabag
Pinagpapawisan at kinakalampag
Ang upuan ko na kanina pa pumapalag

Sa wakas dumating ka na
Bigla akong nagalit ikaw may kasama
Pinakilala sa akin ang iyong asawa
Ako'y biglang nabigla at natulala

Sa susunod makikinig na ako
Sa susunod bigyang halaga mga payo
Sa susunod mag iisip muna ako
Sa susunod .. Susunod na lang ako

Wednesday, March 4, 2015

Ka-pagod na Byahe


Umaga pa lang nag hahanda na
bubuksan ang tv sa sala
manonood ng balita
habang kumakain ng empanada

Magkakape
kahit walang pambili
mainit na tubig sa tabi
lalagyan ng matamis para may silbi

Maliligo na ako 
mag sasabon ng buong katawan
magdyadyati pa kung kailangan
baka may ideyang lumabas sa aking isipan

Paglabas ng bahay
naku po inday
mahaba na ang pila 
sa sakayang konti lang ang may kaya

Maghihintay ng 1 oras pa
bago makasakay, 
makasakay man ay kulang pa
ang antok ko na sobra sobra

Pag dating sa opisina
mabubulyawan pa ng among matanda na
na ang mukha hindi kayang ipinta
kulubot na katawan na naglalangis pa

Byahe na naman pauwi ng bahay
ay naku eto na naman ang sakay
sasabit sa jeep na gumegewang
magdadasal na sana makauwi ng walang kalawang

araw araw ganito
sa byaheng kapagod at lito
sakit sa bangs pag wala masakyan
mabwibwisit pag naabutan pa ng ulan

Sa Wakas

Matagal ko ng pinapangarap ang yakap mo
makasama ka sa hating gabi na pinalano
maglalakad sa mahabang pasilyo
papunta sa malamig at tahimik na kwarto

Matagal ko nang hinihintay ito
makakwentuhan ka ng totoo
nang walang magugulo
harap harapan ng solo

Pangarap ko lang na maging tayo
pero sa sandaling ito nabago
lahat pala may nakalaang tagpo
na pagsasamahin ang iniibig ng totoo

Sa wakas nandito na tayo
magtitigan ng buong puso
magyayakapan ng walang biro
maghahalikan ng buong buo