Thursday, March 5, 2015

Susunod

Kanina pa ako nandito
Nag aabang kung magtatagpo
Nakatingin sa aking relo
Ano ba ? San ka na ba? Malapit ng mag alas otso

Tinext naman kita
Pinaalala ang usapan natin kanina
Dali dali ba naman akong pumorma
Ang akala ko maaga kitang makikita

Tawag na ako ng tawag
Mukang tagilid at may kabag
Pinagpapawisan at kinakalampag
Ang upuan ko na kanina pa pumapalag

Sa wakas dumating ka na
Bigla akong nagalit ikaw may kasama
Pinakilala sa akin ang iyong asawa
Ako'y biglang nabigla at natulala

Sa susunod makikinig na ako
Sa susunod bigyang halaga mga payo
Sa susunod mag iisip muna ako
Sa susunod .. Susunod na lang ako

No comments:

Post a Comment