Wednesday, March 4, 2015

Sa Wakas

Matagal ko ng pinapangarap ang yakap mo
makasama ka sa hating gabi na pinalano
maglalakad sa mahabang pasilyo
papunta sa malamig at tahimik na kwarto

Matagal ko nang hinihintay ito
makakwentuhan ka ng totoo
nang walang magugulo
harap harapan ng solo

Pangarap ko lang na maging tayo
pero sa sandaling ito nabago
lahat pala may nakalaang tagpo
na pagsasamahin ang iniibig ng totoo

Sa wakas nandito na tayo
magtitigan ng buong puso
magyayakapan ng walang biro
maghahalikan ng buong buo

No comments:

Post a Comment