Wednesday, March 4, 2015

Ka-pagod na Byahe


Umaga pa lang nag hahanda na
bubuksan ang tv sa sala
manonood ng balita
habang kumakain ng empanada

Magkakape
kahit walang pambili
mainit na tubig sa tabi
lalagyan ng matamis para may silbi

Maliligo na ako 
mag sasabon ng buong katawan
magdyadyati pa kung kailangan
baka may ideyang lumabas sa aking isipan

Paglabas ng bahay
naku po inday
mahaba na ang pila 
sa sakayang konti lang ang may kaya

Maghihintay ng 1 oras pa
bago makasakay, 
makasakay man ay kulang pa
ang antok ko na sobra sobra

Pag dating sa opisina
mabubulyawan pa ng among matanda na
na ang mukha hindi kayang ipinta
kulubot na katawan na naglalangis pa

Byahe na naman pauwi ng bahay
ay naku eto na naman ang sakay
sasabit sa jeep na gumegewang
magdadasal na sana makauwi ng walang kalawang

araw araw ganito
sa byaheng kapagod at lito
sakit sa bangs pag wala masakyan
mabwibwisit pag naabutan pa ng ulan

No comments:

Post a Comment