Monday, July 6, 2015

palengke

Maaga pa lang gising na sila
Naghahanda ng paninda
Nagkakape kasabay ng umaga
Hindi alintana ang puyat na dala

Isda, gulay at ano ano pa
Basta sa marangal kumikita
Hindi kagaya ng pulutikong
Kumikita sa pawis ng iba
Kinakamkam pati ang huling luha

Sigaw ng sigaw
Mapaubos ang huling sitaw
Hindi napapagod
Dahil alam nila pag uwi may hahagod

Mahirap man ang buhay sa palengke
Nabubuhay naman ng marangal na byahe
Hindi kagaya ng pulitikong buwaya
Nagpapasarap sa pawis ng masa
Mas malansa pa sa bulok na isda

No comments:

Post a Comment