Monday, July 20, 2015

Sa Aking Kamay

Panginoon ako po ay nagsusumamo
Humihingi ng patawad mo
Sa aking kamay nabago
Ang buhay na aking nakuha sa iyo

Sa aking buhay na sagana
Nakakalimutan kong sumamba
Sa pagdadasal hindi na ginagawa
Patawad ang hinihingi ko po sa iyong awa

Sa aking kamay naging manloloko
Lahat sinakop ng tukso
Buhay nasira at huminto
Ayaw ko ng mabuhay kung ganito

Panginoon hawakan mo ulit ako
Gabayan mo
Sa tukso ilayo
Turuang maging totoong tao

No comments:

Post a Comment