Monday, July 6, 2015

Sa Pagpatak ng Ulan

Minsan hindi mo na alam
Ang gagawin , sasabayan pa ng ulan
Sa tanawin mong nasisilayan
Hirap na walang katapusan

Minsan napapaisip ka
Tila problema ay nagbabadya
Sa pag iisa ikaw ay nagdurusa
Isabay mo lang sa pag patak ng ulan

Problema nandyan
Kasama ng Kalungkutan
Isipin mo lang
Daraan lang ang ulan

Minsan nag iisa ka
Nalulungkot pag walang kasama
Napalingon ka na ba?
nandito kami pang tanggal kaba

Minsan umiiyak ka na
Sinabay mo sa bagyong dala
Pumikit ka at magdasal pa
Darating din ang bagong ginhawa
Na dala ng ulan

No comments:

Post a Comment