Sunday, January 31, 2016

aR-Ey

Pasensya na iistorbo lang
Bakit ka tahimik at walang kibo
Iniisip mo ba si seaman
Dahil sa kanya ikaw nagbago

Simple lang ang pwedeng gawin
Kalimutan siya , may darating
Bukod tangi at iyong mamahalin
Hindi magtatanong anuman ang itong marating

Tandaan walang forever
Kahit lahat gawin mo turing pa rin never
Isipin mo parang kanta ni justin beiber
Mahalin mo sarili mo .. Yun ang forever

aR-Ey magising ka
Mundo'y hindi titigil sa kanya
Sakit ay kasama
Move-on iyong magagawa

Sana sa pagmulat
Sana sa hindi lahat
Sana mag tira
Iyong sarili isipin muna

Wednesday, January 20, 2016

RoadTrip ni Kadyo

Maghapon nawawala
Hindi mo makita
San na nga ba nagpunta
Text ko wala pa reply ng tanga

Hinanap na sa kanto
Pinagdasal na din sa santo
Sana walang masamang nagyari sayo
Kabila kabilang patay balita ng radyo

Pumunta sa syota mo
Nagbabaka sakaling nakabaon ang tumbong mo
Ngunit ilang araw ka na daw may atraso
Patay tayo dyan , baka patay ka na rin ang hinala ko

Kadyo iba naman ang roadtrip mo
Sa balita inaabangan na lang ang pangalan mo
Umiral na naman ang pagkademonyo
Sasakyan ko bakit tinangay mo..

Nagulat kaming lahat hanggang kanto
Mukha mo'y basag basag at may tahi sa ulo
Sa tv bumibida ang pangalan mo
Nahuling sabog at deretso kalaboso..

Kawawang kadyo
Kawawa din ako
Nasaan ang kotse ko
Nasangla o nabenta mo na ba demonyo!

Friday, January 15, 2016

Pesteng yawa

kanina ka pa
Manahimik ka nga
Sumasakit na ang ulo
Dahil dyan sa pag sisigaw mo

Magpatulog ka naman
Pati sila nadadamay
Wala naman silang kamalay malay

Pesteng yawa
Lalabas na lang ako at mag gagala
Kaysa paringgan ang iyong bunganga
Na magdamag sa akin sumisira

Sana pagbalik ko kalmado ka na
Mga galit ay wala na
Sana sa pagbalik ko ok ka na
Natutulog ng maghimbing sa kama

Siya na ba

Sabi mo ayaw mo na
Gusto mong kumawala
Tapusin na
At maging malaya

Sabi mo tama na
Ang awayan at hinaing ng bawat isa
Aalis ka
At kakalimutan na

Sabi mo may iba ka na
Pagmamahal sa akin ay tuluyang nawala
Siya na pala
Siya na ba?

Malungkot man
Kailangang tanggapin
Iiwanan mo ko
Ipapalit siya

Sabi mo may darating pa
Mas magmamahal at makakaunawa
Magbibigay kulay
Sa mundo kong naging pasaway

Sabi mo panahon na
Maglakad ng magkaibang daan
May bagong buhay
May bagong pag ibig na makulay

Sabi mo
Sa kanya ka liligaya
Pag ibig sa akin wala na
Sabi mo siya na nga

Sama-samang kumanta

Itono na ang gitara
Bilisan mo na at humanda
Tutugtog  na ang banda
Magbibigay na tayo ng saya

Tugtugang rak en roll
Maglalagay ng tonong roll na roll
Isasabay ang sayaw na panalo
Kumekembot ang katawan ng ganado

Ipakita ang giling na masaya
Unindak at tonong gana
Huwag mahiya sa katabing maganda
Isayaw mo lang huwag mahihiya

Sama-samang kumanta, sumabay
Tumalon iwagayway ang kamay
Maging laging masaya
Ngumiti ng kakaiba


Thursday, January 14, 2016

Kagabi

Pinaandar ang motor
Maglalasing , mag cocontrol
Wag sosobra
Ang bill lumaki baka

Magaaya ng tropa
Madaling araw na pala
May darating pa kaya
Buti naman may nag tyaga

Umupo sa tabi
Nagorder ng kaunti
Nakinig ng kantang ganado
Natuwa at naki jam sa bandang persero

Lumagok ng beer
Maibsan lang ang tear
Chinecheck kung may forever
Away mag asawa katapusan never

Uwi sa bahay ni dade
Magkukuwento at makikitulog na rin
Baka pag gising ko ay madale
Ang tamang pag iisip na hindi ko naisip kagabi


Saturday, January 2, 2016

Bagong Simula

Gumising ka na
Kumakaway na ang umaga
Sikat ng araw ay nandyan na
Dumadampi sa pisngi mong namumula

Tayo na
Samahan mo ko tignan
Ang natatanaw na kagandahan
Sa init na pinagsaluhan

Bagong araw sa bagong buhay
Bigyan at lagyan natin ng kulay
Maging modelo at gumabay
Sa mga taong naiiba ng tulay