Gumising ka na
Kumakaway na ang umaga
Sikat ng araw ay nandyan na
Dumadampi sa pisngi mong namumula
Tayo na
Samahan mo ko tignan
Ang natatanaw na kagandahan
Sa init na pinagsaluhan
Bagong araw sa bagong buhay
Bigyan at lagyan natin ng kulay
Maging modelo at gumabay
Sa mga taong naiiba ng tulay
No comments:
Post a Comment