Maghapon nawawala
Hindi mo makita
San na nga ba nagpunta
Text ko wala pa reply ng tanga
Hinanap na sa kanto
Pinagdasal na din sa santo
Sana walang masamang nagyari sayo
Kabila kabilang patay balita ng radyo
Pumunta sa syota mo
Nagbabaka sakaling nakabaon ang tumbong mo
Ngunit ilang araw ka na daw may atraso
Patay tayo dyan , baka patay ka na rin ang hinala ko
Kadyo iba naman ang roadtrip mo
Sa balita inaabangan na lang ang pangalan mo
Umiral na naman ang pagkademonyo
Sasakyan ko bakit tinangay mo..
Nagulat kaming lahat hanggang kanto
Mukha mo'y basag basag at may tahi sa ulo
Sa tv bumibida ang pangalan mo
Nahuling sabog at deretso kalaboso..
Kawawang kadyo
Kawawa din ako
Nasaan ang kotse ko
Nasangla o nabenta mo na ba demonyo!
No comments:
Post a Comment