Friday, January 15, 2016

Siya na ba

Sabi mo ayaw mo na
Gusto mong kumawala
Tapusin na
At maging malaya

Sabi mo tama na
Ang awayan at hinaing ng bawat isa
Aalis ka
At kakalimutan na

Sabi mo may iba ka na
Pagmamahal sa akin ay tuluyang nawala
Siya na pala
Siya na ba?

Malungkot man
Kailangang tanggapin
Iiwanan mo ko
Ipapalit siya

Sabi mo may darating pa
Mas magmamahal at makakaunawa
Magbibigay kulay
Sa mundo kong naging pasaway

Sabi mo panahon na
Maglakad ng magkaibang daan
May bagong buhay
May bagong pag ibig na makulay

Sabi mo
Sa kanya ka liligaya
Pag ibig sa akin wala na
Sabi mo siya na nga

No comments:

Post a Comment