Thursday, March 24, 2016

Akala mo

umaga pa lang nasa isip mo na siya
Inaalala kung nakakain na ba
Tinitignan ang orasan sa sala
Sana makaalala naman siya

Sa pagpasok sa work laging masaya
Dahil makakasama mo na naman siya
Hindi napapagod anuman ang nais nya
Basta para sa kanya, para sa kanya

Sa tuwing magkakalapit , natutulala
May ningning lagi ang mga mata
Hindi na iniisip ang sasabihin ng iba
Basta makapiling at makasama lang siya

Sa paglipas ng araw biglang nag iba
Pakikitungo biglang nawala
Paglalambing niya naglaho bigla
Nagtataka bakit siya pa

Nagnanais na maibalik pagmamahal niya
Kahit mali , pinipilit maging tama
Lahat ng akala ay nauwi sa wala
Pangarap ay hindi na makita

Akala mo magiging masaya
Maglalakad ng sabay sa paraisong gawa nya
Akala mo magtatagal ang pagmamahal sa isat isa
Akala mo ang mali ay magiging tama

No comments:

Post a Comment