Inaabangan ang oras
Nagmamadali na para lumabas
Alam ko naghihintay ka na
Dun sa lugar kung saan masaya
Tiktak tiktak sabi ng relo ko
Bakit ang tagal ng isang minuto
Hindi na mapakali sa upuan ko
Sana matapos na at makaalis na ako
Iniisip ang ligayang hatid
Ang pagmahahal na walang patid
Naglalaro sa isang gilid
Bakit ang tagal ng bawat saglit
Gusto ko ng makita ka
Mayakap at mahalikan pa
Problema ko ay mawawala
Basta makasama ang aking pamilya
No comments:
Post a Comment