Tuesday, March 1, 2016

Bahay-bato

dito sa amin sikat ang bato
Lahat ng lalake naaadik dito
Pati menor de edad nahuhumaling dito
Sikat na sikat ang mahal na bato

Umaga pa lang Hindi maistorbo
Nagaabang sa bahay na bato
Lalabas si kadyo
Magbibigay ng signal sa mga katoto

Sa loob nito maraming upuan
Nagkalat mga basurang pinaggamitan
Magtatabi tabi sa isang sulukan
Paisa isa o maramihan

Talamak na ang salot
Marami ng natatakot
Sa bahay na bato na binalot
Ng kalagiman at sigalot

Marami ng nahihikayat sumama
Sana may isang taong pipigil sa kanila
Na magbibigay liwanag at pag asa
At dudurugin ang bahay na batong mapinsala

No comments:

Post a Comment