May napansin ako sayo,
Malungkot mga mata mo
Namamaga pa ito
Pag-iyak ang nagiging bisyo
Nasaktan ka na naman
Pinaasa sa walang hanggan
Puso'y mahina, sadyang ganyan
Kahit hindi mo sabihin , lutang kang nasasaktan
Kanina sinabihan na kita
Huwag mong ipagtuloy na magmahal ka sa kanya
Alam mo naman walang mapapala
Hindi mo makukuha ang pag aari ng iba
Sana maging totoo sa isip at puso
Alamin kung anong bagay sa iyong mundo
Ang masaktan ay Isang daan sa iyo
Basta lagi mo lang isipin ,
maraming nagmamahal ng tunay at totoo
No comments:
Post a Comment