Wednesday, November 22, 2017

Dear Uge

Dear Uge,

Isang mapagpalang umaga
Sa iyo at sayong kasama sa programa
Itago mo na lang ako sa pangalang Lisa
Di tunay kong pangalan upang hindi nila ako makilala
Babaeng nagmamaganda
Puno ng problema
Sa salapi , pagibig at sa kama..

Hayaan mong ikwento ko sayo ang aking problema
Unahin ko muna ang Salapi na paksa
Aaminin ko mahal ko ang aking trabahong nakuha
Araw araw pumapasok nag oovertime pa
Nalulungkot pag sasapit ang sahod
Nauubos lang sa gastos sa bahay at inutang
Mas maraming pagod na hindi matumbasan ng sahod
Laging gipit minsan parang gusto ko ng kumapit sa patalim
Gusto ko sanang matulungan mo
Kung papaano makapag impok tuwing sasahod ako?

Pangalawa
Hays lagi na lang ako ang nagbibigay
Yung partner ko lagi na lang nagtataray
Marami siyang kalokohang taglay
Pambababae ay sadyang kanyang pakay
Isa pang masakit ,, nahihilig din siya sa sugal
Laging inuumaga inaabutan na ng almusal
Naiiyak ako sa tuwing sinasaktan nya ako
Hindi ko na makita ang dating pagmamahal nyang totoo
Kabaitang taglay nya nung nanliligaw pa siya
Pag aaruga sa akin na walang palya
Pero ngayon para na lang hangin ako sa buhay nya
Dinadaan daanan na lang sa tuwing nandyan siya
Sana mapayuhan mo ako ng tunay talaga
Ano ba gagawin ko martir ako at tanga
Hindi ko kayang iwanan siya ng kusa
Naniniwala pa rin ako an magbabago siya
Naniniwala pa rin ako na mamahalin pa nya ako ng sobra

Pangatlo
Alam kong medyo bastos ito
Pero hayaan mo muna akong magsabi ng totoo
Ilang buwan na ba ang nakalipas na zero
Mag isa sa kama hinihintay ang pagdating nya
Namimiss mga halik at yakap nya
Yung ungol na walang sawa
Pawis na sadyang walang hinto talaga
Pero ngayon hindi ko na siya makita
Uuwi ng umaga maliligo aalis na
Paano na ang mga gabing wala akong nakakasama
Ang unan ko pilipit na sa mga malungkot kong yakap pala

Sana mapagbigyan mo at ako ay mapayuhan
Nalilito na ako hindi ko alam ang paraan
Para maayos ang nasirang pamilya
Nasirang buhay na aking nadarama

Salamat at hanggang dito na lang


No comments:

Post a Comment