Ikaw ang dahilan bakit ako tulala
Simula ng ikaw nawala
Hindi pa rin ako makapaniwala
Mga kamay mo hawak na ng iba
Iniwan mong nag iisa
Puso nabiyak ng bigla
Noong oras na sumama sa kanya
Naalala pa mga dating kay saya
Panghihinayang ay hindi alintana
Hindi na sana lumisan pa
Pag ibig tumuloy tuloy lumigaya
Iniwan mong nakatulala
Mga tanong ko nasan na
Noong oras na sumama sa kanya
Hindi na sana ikaw ay nakilala pa
Pangarap natin nawala bigla
Mga oras natin hindi nasayang sana
Pag ibig natin ay hindi nabaling sa iba
No comments:
Post a Comment