Sunday, November 12, 2017

Di ko alam

Di ko alam bat ang sarap mo mahalin
Sabihin mo nga at ng umamin
Ako rin ba ay kaya mong ibigin

Di ko alam bakit ikaw ang hinahanap hanap
Sa maghapong aking hinahagilap
Ang pag ibig mong kay sarap

Di ko alam kung ano ang mayron ka
Hindi ako mapakali pag nandyan ka
Puso kumakabog pag katabi ka na

Di ko alam bakit mahal kita
Kahit alam ko na puso mo hawak ng iba
Kahit masakit .. di ko alam bakit pa?

No comments:

Post a Comment