Tuesday, November 21, 2017

Sayo

ikaw ang magandang regalo sa buhay ko
Sayo ko naramdaman ang pagiging totoo
Daig mo pa ang sikat ng araw na todo
Nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo

Hindi ko inaakala na
Ang pagmamahal mo magtatanggal kaba
Sa puso ko na laging tulala
Sayo ko naramdaman ang pagibig na masaya

Ibabalik ko ang saya
Na ating pinagsaluhang dalawa
Lagi kang narito at hindi mawawala
Kahit san abutin at magpunta pa tayong dalawa

Sayo ko napatunayan
Magandang mundong iyong kinulayan
Pag ibig mong hindi mo pinagdamutan
Sayo ko laging naramdaman


No comments:

Post a Comment