Sikat ka na naman
Pangalan mo sambit ng sambayanan
Sa mga takteng scandal na iyong ginampanan
Mahiya ka naman , sa kamera ngiti ang laman
Hindi ka ba nagsasawa
Sa buong bansa ikaw ang bida
Bida sa kolokohan at pandaraya
Natatawa ka pa , iyon ba ang dapat talaga
Dumadami na ang kagaya mo
Walng Diyos na sinasanto
Sa kawalanghiyaan gagamitin ang Diyos
Sa kababuyan nangunguna sa utos
Pera mong nakulimbat
Umaapaw na nga , hindi pa kontento
Sinusunog ka na nga wala ka pa sa impeyerno
Ang tanong ng lahat papaano tayo?
No comments:
Post a Comment