Dito sa lugar namin
Nabuo ang isang samahan
Lagi nagsasama sa dilim
Lahat tumatawa at nagkakantahan
Masayang nagsasama sama
Sumasabay sa ulan na dala
Alak pa nun hindi kilala
Tv ay mangilan ngilan pa
Patintero sa gabing maliwanag
Kahit bahagya lang ang nababanaag
Tuloy parin hanggang magdamag
Kahit pa pagod na, pagod sa latag
Luksong baka ang sikat
Hindi pa umuusbot ang iPad
Mga pawis tumatakatak
Sa takbuhan na gamit ay yapak
Masarap makita ang lugar namin
Bumabalik ang alaala ng amin
Kung saan walang pakialam sa dilim
Basta sama sama mananalangin
No comments:
Post a Comment