Monday, September 22, 2014

Palos

Gawin mong masaya ang lahat
Yung tipong magagalak
Masisiyahan ang timpalak
May ngiting maiiwan sa bawat yapak

Halika na dito palos
Sa bilis mong umeskapo tagos
Laban mo sasamahan ng buhos
Ng pagmamalaki sa bawat hikahos

Wag ka ng tumakas pa
Maging bahagi ng isang digma
Na kumikilos at nakikibaka
Sa hagupit ng hirap at dusa

Panong ikaw ay nawawala
Naghalo na ang takot at luha
Wag nang maging palos
Ibigay na dapat ang ibubuhos

No comments:

Post a Comment