Saturday, September 6, 2014

Ikaw lang

Hindi masabi sa kagalakan ang nais
Pero sa puso ko ramdam ko ng labis
Ang pagmamahal mong walang kapares
Na sadyang binigay sa akin ng langit

Isang pagpapasalamat at nandyan ka
Tinuro mo ang daan sa aking gawa
Ang bawat saglit nag iiba
Nagkakakulay at nabubuo sa twina

Ikaw lang ang humugot sa akin
Mula sa kumunoy na bumalot sa akin
Nag silbi kang kalasag sa patalim
Nag niningning na ilaw sa dilim

Hindi matatawaran ang iyong kalooban
Lumipas man ang araw sa ating daan
Mananatili kang magmamahal ng tunay
Mag bibigay ng kagalakan at gabay

Manatili kang ganyan mahalko
Sasamahan kita hanggang sa dulo
Magbago man ang lahat ng ito
Bulungan mo ko ng magandang alala nating nabuo

No comments:

Post a Comment