Wednesday, September 17, 2014

Basong apaw

Sige pa lumaklak ka
Sa misis mo plakda ka
Masisigawan ka na naman nya
Pag aaway daratnan mo mamaya

Itapon mo na yang alak dyan
Hindi mo na kakayanin pa yan
Magdamag ka ng lunod sa inuman
Kahit pag kain , nakalimutan

Basong umaapaw sa harap
Kahit hindi na kaya tila masarap
Maghihintay pa ba ng kukurap
Lambot ng tuhod , sakit sa ulo malalasap

Bantayan mo na ang pag uwi mo
Baka madapa sa may kanto
Gagapang pauwi sa inyo
Matatapon sa labas ang mga damit mo

Itigil na ang ugaling uhaw
Isang basong yelo matutunaw
Sa alak ay walang matatanaw
Masakit pag ikaw ay pumanaw

No comments:

Post a Comment