Friday, September 26, 2014

Panalangin

Panginoon naming taga pagligtas
Tulungan mo kaming maging ligtas
Sa mga taong mapag pintas
Sa mga taong sa Iyo umiiwas

Gamitin mo kami sa Iyong Nais
Paglilingkod sa kapwa ang tangis
Maihadya Mo kami sa mababangis
Na gumagamit ng pangalan Mo ng labis

Patawarin mo po kami sa kasalanan
Buhat ng kami ay may natutunan
Hayaang mong puso Mo ay bumilang
At nang pagkasala ay aming iwasan

Labis po kaming nababahala
Kung may patutunguhan ba
Sa dami ng nanggagaya
Nalulubos na sa masama

No comments:

Post a Comment