Ama hawakan mo aking kamay
Hilahin mo ko at igabay
Bigyan mo ko ng lakas sa buhay
Para maging anino mong tunay
Pagsamo ko Iyong tugunan
At nang tungkulin ko magampanan
Dito sa kamunduhan
Dito sa lupa ng kasalanan
Sa Iyong kamay
Nakasalalay
Natatangi kong buhay
Sa tawag mo ito ay iaalay
Ama nais kong maging bahagi
Nang ninanais mo bawat sandali
Ituro Mo sa akin muli
Paglapit sa Iyo at maging haligi
No comments:
Post a Comment