Hawak mo ang iPhone mo
May katext o nilalaro
Medyo busy ang datingan mo
Puyatan din ang trabaho
Masayang nakikita ang ngiti
Galing sa mapupulang labi
Masarap sigurong halikan ngayong gabi
At mayakap ka , sa upuan makatabi
Ako ay nabibighani sa iyo
Nahuhulog na ang puso ko
Pano ba kita maaaya mag disco
O kaya kumain ng solo
Patingin tingin na lang
Pasulyap sulyap rin lang
Baka magbangga ang ating mata
Parehong maliit at mapungay pa
Hay tapos na naman ang gabi
Ang oras ay kulang aking nasabi
Pagtitig ko sa mapupulang pisngi
Mawawala na kasi ikaw ay uuwi
Pwede ka bang mahatid sa inyo
Kahit alam ko naman dyan lang kayo
Masabayan ka lang ay panalo
Pano pa kaya kung maging tayo
No comments:
Post a Comment