Thursday, September 18, 2014

Oishi

Aking nakilala itong isang tropa
Ngalan nya Jango at maporma
Bida sa inuman at kung saan mapunta

May nakilala sa isang bar sa manila
Oishi ang pangalan maganda talaga
Seksi at maputi , lahat napapa nganga
Pag lumapit na , pabango naiiwan pa

Laging kasama ni janggo ang dalaga
Kahit saan mag punta o gumala
Hindi tinatanggihan sa gusto nya
Kahit maubos na sweldong dala

Oras nya ay nauubos
Kasama pa pera na pang tustos
Ngayon nagtatago na si janggong maporma
Sa credit card nya , utang lumala

Si oishi na kanyang kasama
Ngayon nawawala
Balita sumama na sa iba
Mayaman at matanda na

Kawawang janggo ngayon pulubi na
Mga porma hindi na sagana
Pati trabaho nadamay pa
Pati bahay nasangla na

No comments:

Post a Comment