Kaibigan , ano ng balita sayo
Hindi ka na makita sa lugar nyo
Mga kapatid mo
Nag hihintay sa pag balik mo
Halos tatlong taon na rin
Ang lumipas nung huling
Nakainuman ka at nalasing
Wala ka na pag gising
Naiwan mo pa kaming lasing
Naalala ko pa huling sinabi ko
Wag papadala sa pagsubok mo
May tamang sulusyong totoo
Manalig ka lang at iyong matatamo
Sumang ayon ka pa noon
Naniwala sa mga sinabi ko
Akala ko iyong natanto
Pagkakamali ay iyong mababago
Sinabi ko na kapit ka lang
Mag tiis kung kailangan
Nandito lang kami naka abang
Kung kailanganin mo aasahan
Sana mabasa mo ito
Hindi pa huli ang buhay mo
Tanggapin mo at magbabago
Lahat ng hirap ay maglalaho
No comments:
Post a Comment