Sindihan mo na yan
Lasapin ang kasarapan
Siguradong may kalalagyan
Unti unting sipsipin
At simulang gustuhin
Sabayan pa ng inumin
Huwag ka nang huminto
Namnamin ang mundo
Kalimutan ang gulo
Usok ng kasiyahan
Ibigay kung nais masiyahan
At ng maging isa ng kalupaan
Matatapos ang usok
Buhay mo'y masusubok
Kung hanggang saan ang iaarok
Kalokohan ng dala
Hindi ito sulusyon sa problema
Mag isip ng ayon at tama
No comments:
Post a Comment