Thursday, September 18, 2014

Balang Araw

Balang araw sisikat din ako
Makikilala sa tv at radyo
Mapapanood sa iPad nyo
Magiging idolo at pambato

Balang araw yayaman din ako
Magtataglay ng salapi sa bangko
Mabibili lahat ng gusto ko
Mapupuntahan ang mga nais ko

Balang araw mag aasawa din ako
Yung tipong maglalaway kayo
Mala dyosa sa kagandahan hatid nito
Gwardya nito mga sampu

Balang araw mag pupulitiko ako
Gagayahin si pakyaw na aking idolo
Sasali sa mga paboritong laro
Mapapabilang sa sikat sa mundo

Balang araw magiging tatay din ako
Ituturo mga bagay na nagawa ko
Magiging isang tunay na modelo
Mag sisipag , hindi na maniniwala sa balang araw ko

No comments:

Post a Comment