Sa iyong biro
Pag ibig nabuo
Pilit tinatago
Unti unting nalilito
Pag tumingin ka na
Biglang natutulala
Nauubos ang salita
Napapalunok pag ngumiti ka pa
Ilang beses na bang ganito
Pilit kong tinatago
Tinatanong sa isip ko
Ikaw na ba laman ng puso ko
Sa tuwing tayo ay magkasama
Hindi mapigilang matuwa
Paghawak mo aking kamay
Buhay ko napupuno ng kulay
Ako na ba
Ang laman ng puso mo
Nagdadasal pa nga
Sana mahalin mo rin ako
No comments:
Post a Comment