Ano nga ba ang ibig sabihin
Nitong buhay natin
Tinatanong naghahanap
Ng kasagutang sobrang ilap
Napapa hinto sa kawalan
Bakit ang sagot ay kailangan
Ilang taon na ba ang nakalipas
Hindi ko na matandaan sa sobrang bilis ng oras
Hindi ko na rin maalala mga taong nilapitan
Papaano at tatanungin kung kailan
Hindi mawari kung ano ang kailangan
Nabigyan na ng buhay sagana
Bakit tila unti unting nawawala
Mayron ba akong nakaligtaan
Ang pagtawag sa Panginoon nabawasan
Humihingi ako ng patawad sa kasalanan
Natutulala bakit ito ang hinantungan
Unti unti bang kukunin
Wag naman po sana kami ay patawarin
Ang pagkakamali ay amin
Ang pagpapatawad ang hinihingi namin
San ba makikita ang halaga?
Nanlulumo na at nawawala
Ito ba dapat ibigay sa wala
At bumangon sa pag gising ng bagong umaga..
No comments:
Post a Comment