Monday, December 7, 2015

pagkakataon

Dati ang saya pa natin
Hindi alintana ang pagsapit ng dilim
Magkatabi at magkayakap
Alaala pa ang ngiting nalalasap

Maghapon nag kwekwentuhan
Ng kung ano anong maisipan
Habang nakatitig sa iyong mata
Iyon lang ang mahalaga

Nasaan na ba ang nakaraan
Na dati nating pinagsamahan
Dahil lang ba sa isang pagkakamali
Paghihiwalay ang iyong  pinili.

Humihingi sa iyo ng isa pang pagkakataon
Na muli nating maibalik ang kahapon
Nagsusumamo tanggapin mo patawad ko
Nais maibalik ang dating tayo

No comments:

Post a Comment